Sa lilim ng pangakong kay tapang,
humahalik sa dilim ang pusong bitin sa ilaw ng halang.
Isang hakbang sa landas na hungkag,
tinangay ng hangin, dasal ay naging alingawngaw na basag.
Ginto ang dila, ngunit puso’y yelo,
mga mata’y apoy, ngunit damdamin ay belo.
Sa isang bulong, gumuho ang moog,
at ang loob **** banal ay naging taling alog.
Hindi ka bato, kundi kristal na buo,
isang haplos lang, durog na’t guguho.
Sa salamin ng lihim na kay init ng anyo,
ang kaluluwa’y nasunog sa halik ng demonyo.
Ang apoy na inakalang ilaw ng langit,
nagdala ng luhang pilit **** ipit.
Mabilis ang bagsak sa patibong na lihim,
at ang halakhak ng dilim ay naging iyong awit.
Sa huli, ang ngalan mo’y abo’t ulap,
naligaw sa hanging may amoy ng hirap.
Sa dambana ng bait na sarili **** likha,
ikaw ang naghandog—sarili **** kaluluwa.
Feb 15
Feb 15, 2026 at 11:08 PM UTC

madali kang mawawasak ni satanas