Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Sa trono may nilalang na parang laging lutang, Diskarte’y sumisingaw—parang usok na bulok ang halang. Pilipinas ng anino ang ginawa niyang laruan, Bawat kilos may komisyon, bawat ngiti may katayan. “Serbisyo raw,” pero utos parang sabog na sermon, Mga pirma sa papel ay parang bangungot na sermon. Oh, rehimeng nakalutang, utak mo’y paulit-ulit, Bayan ang sinisingil pero bulsa mo ang umuulit. Mga pangakong niluto—hilaw, sunog at sakim, Korona **** kumikinang, puro kalawang sa dilim. Kapangyarihang sininghot mo, unti-unting kinakain, Parang ulap sa umaga—wala nang matinong panaginip. Mga alipores mo’y palakpak sa bawat palpak, Dahil bawat sablay mo’y may sukli silang bulag. Naging templo ng suhol ang bawat opisina, Para kayong nagmimisa sa altar ng salapi at duda. Kumakaway ang katotohanan sa bintanang sarado, Pero bingi ka sa sigaw ng taong ginagago. Bansa’y ginawa **** eksena ng inuman, at drogahan. Ikaw ang direktor, pero bangag ang iyong rason. Kapangyarihang sininghot mo, unti-unting kinakain, Parang ulap sa umaga—wala nang matinong panaginip. Mga alipores mo’y palakpak sa bawat palpak, Dahil bawat sablay mo’y may sukli silang bulag. Isang araw lulubog ang trono **** plastik, Matutunaw ang maskarang kay tagal **** tinikit. Pag gising ng bayan, titigil ang iyong kilig, At ang pangalan **** maangas—buburahin sa sahig. Walang forever ang leader na puro droga at daya— Pag dumating ang hustisya, ikaw ang unang maglalaya.
0
Dec 21, 2025
Dec 21, 2025 at 12:48 AM UTC
💀Ʀ៩Ϧɨ៣៩⩎❡ ⩎♬ƙ♬ɭ⩏Ƭ♬⩎❡💀

galacticgrooves_69
Written by
Dec 21, 2025
Dec 21, 2025 at 12:48 AM UTC
Request permission to use this poem