Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Hindi mo kailangang lagyan palagi ng sukat, Sa kapakanang masabing isa kang manunulat. Hindi lagi’t laging tugma ang bawat linya sa pagtatapos, Maalintana lamang na ikaw ay tumutula. At hindi mahalaga ang paggamit ng malalalim na salita, Maipakita lamang na kaya mo, may laya ka. Anino mo’y nakasubaybay sa iyong banyuhay, Sa pagpupunyagi mo’y estranghero sa iyo’y maglalaho. Iparama mo hanggang sa dulo ng iyong gulugod, Ang paghangos **** nagsisilbing panghibayo. Dahil sa haraya ay walang awanggan, Sapagkat ikaw ang inhinyero ng sarili **** puso. Ngunit dugo mo’y saan nga ba tutungo? Alamin mo kung ano ang iyong sinisimbolo. Wala sa bokabularyo ang pagiging hidhid, Sa taghoy ng bawat isa sa ati'y malikhain. Kahit ang ibig ng kaunlaran sa kanila’y hindi masasambit, Sa alagad ng sining walang pawis ang hindi mapait.
0
Oct 30, 2025
Oct 30, 2025 at 10:15 AM UTC
May Buhay sa Banyuhay

blakheorteofficial
Written by
17/M/Philippines
Oct 30, 2025
Oct 30, 2025 at 10:15 AM UTC
Request permission to use this poem