Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Sa hatinggabi, tumunog ang alas, Oras ng aninong sa liwanag ay malas. May ulong kumakagat sa sariling lunas, At bibig na humahalik sa lasong katas. Sa ilalim ng lupa, may hukay na bukas, Doon bumubulong ang bayang agnas. Katarungang tinakpan ng bulok na batas, Timbangan ng hustisya, butas na ang lapad. Sa palad ng hari, may gintong panata, Ngunit sa likod nito’y ahas na tuwa. Humahalik sa takot, sa luhang madulas, Habang ngumangalngal ang kaluluwang ahas. Pait ng katotohanang di mo matikman, Sa bawat lunok, may lihim na laman. At kung magising ka sa mundong balasubas, Huli na ang lahat — sapagkat alas ay ahas.
0
Jul 30, 2025
Jul 30, 2025 at 2:19 AM UTC
"Oras ng Ahas"

galacticgrooves_69
Written by
Jul 30, 2025
Jul 30, 2025 at 2:19 AM UTC
Request permission to use this poem