Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Pagod ang katawan, mabigat ang araw, pero nariyan ka, kaya’t gumagaan ang galaw. Hindi kailangan ng magarang tanawin, balikat ko’t hikab mo’y sapat na aliwin. Sa gitna ng usok, ingay, at pila, may tahimik tayong mundo na tila walang ibang tao kundi ikaw at ako— dalawang pusong sabay humihinto. Dahan-dahan kang sumasayaw sa tanaw, kahit hindi kita kinakausap, alam **** ikaw ang dahilan kung bakit di ko na alintana ang layo, ang trapik, ang problema. Sana'y huwag matapos ang ganitong tagpo, kung saan ang simpleng pagtingin ay totoo. Wala tayong yaman o oras na sobra, pero habang magkasama tayo—sapat na.
0
Jun 12, 2025
Jun 12, 2025 at 6:31 AM UTC
Biyahe Pauwi

https://open.spotify.com/track/1Sb17ULI2TTxIDKiqKV2zv?si=73819d9e94c145b9
Blub
Written by
21/M/Philippines
Jun 12, 2025
Jun 12, 2025 at 6:31 AM UTC
Request permission to use this poem