Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Mali bang bumitaw 'pag nahihirapan na? Mali bang umayaw 'pag sumusobra na? Mali bang sumuko 'pag hindi na maintindihan? Mali bang lumayo 'pag hindi na pinahahalagahan? Mga katanungang 'gang ngayo'y hindi ko maunawaan 'Di maikintal sa'king isipan ang tumpak na kasagutan Kung bakit tila mali sa iba ang mga bagay na saki'y tama Kung bakit tila 'di nila maintindihan ang aking nararamdaman Na kahit pilit mang ikubli sa aking mga ngiti Hindi maikakaila ang pusong nagsisisi Kung maibabalik lang ang nga panahong nakalipas Mas pinili nalang sanang sundin ang utak kesa pusong mapangahas Wala sanang maling desisyong nagawa Ang nakasakit ng iba At walang maling emosyon ang nagsilbing tugon Tila tama nga sila at ito'y hindi maikakaila na Pagsisisi'y wala sa unahan kung 'di laging sa hulihan.
0
Aug 19, 2020
Aug 19, 2020 at 7:17 PM UTC
Siphayo

Written by
Aug 19, 2020
Aug 19, 2020 at 7:17 PM UTC
Request permission to use this poem