Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
ang dami **** gusto lahat na lang pinapangarap. sana nga ay sapat ang panahon o 'di kaya'y sobra-sobra pa. mataas abutin pinipilit pa rin kung mababa naman, walang kagana-gana. nasa'n kaya 'yong tamang-tama? hindi na makuntento kahit kailan laging nag-aasam ng bago lalo na 'yong naiiba para bang moda na papalit-palit. hanggang saan kaya ang lakas na makakaya? upang itong mundo'y hubugin sa gusto at ayaw ng iyong sarili? masaklap kung minsan ang buhay na ito kaya kailangan ang tibay ng loob. umasa sa liwanag na dala ng pag-asa, konting tiis lang, umaga na naman.
0
Aug 8, 2020
Aug 8, 2020 at 10:17 PM UTC
Yugto

kulapu
Written by
M/Manila
Aug 8, 2020
Aug 8, 2020 at 10:17 PM UTC
Request permission to use this poem