Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
mahal kita, sigurado akong mahal kita.. kahit sa pagkakataong nakakalimutan **** kailangan din kita, kahit sa mga panahong kaysa sa akin ay may pinili kang iba... mahal kita, sukdulan hanggang langit kumbaga, kaya noong unang beses mo akong binalewala, hindi ako nagtampo bagkus inintindi kita.. mahal kita, kung may sobra pa sa sobra.. kaya't sa paglisan mo ngayon ako'y nagtataka, tunay bang ako ang pinili nung pinili kita.. mahal kita, mga salitang laging sambit sayo ng aking mga labi, mahal kita, mga salitang dahil sa labis na pagmamahal sayo'y nakalimutan kong sabihin sa aking sarili.
0
Feb 1, 2020
Feb 1, 2020 at 7:42 AM UTC
mahal kita

gabee
Written by
F/i am a wanderer
Feb 1, 2020
Feb 1, 2020 at 7:42 AM UTC
Request permission to use this poem