Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Ikaw'y matalik kong kaibigan Bawat kilos mo'y aking nalalaman Kahit na ito'y tungkol sa kanya Asahan **** narito ako't sumusuporta Sa kanya'y napalapit nang husto Aakalaing kayo na ng lahat ng tao Bawat kilos niya'y sinasabayan at nagmamanman Hanggang sa kanya'y may ibang nararamdaman Ngunit habang tumatagal ay lalong pinasisidhi Na ang pag-ibig niya'y iyong minimithi Ngunit pagseselos ngayo'y nangingibabaw Dahil sa kakaiba **** kilos at galaw Kahit na siya'y tila may iba ng mahal Eto ka pa rin, sa kanya'y patuloy na nagmamahal Kahit na ito'y masakit sa iyo Eto ka't nakangiti at tila nagbabalat-kayo
0
Dec 5, 2019
Dec 5, 2019 at 1:20 AM UTC
Pag-ibig ng aking kaibigan

Written by
Dec 5, 2019
Dec 5, 2019 at 1:20 AM UTC
Request permission to use this poem