Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Enero Kinse, Dos mil Kinse Sa Villamor umindak daan-daang estudyante Paglapag ng eroplanong Sri Lankan Mga sasalubong naghiyawan Pagbukas ng pintuan ng sasakyang lumilipad Skull cap ng Santo Papa ay nilipad Pagpanaog sa hagdan ng eroplano Sinalubong ng mga sundalo at ng Pangulo Pinatugtog himno ng ating bansa Ganundin ang himno ng Vatican sa Roma Dalawang batang ulila sa kanya sumalubong Matamis na pagbati sa kanya ibinulong Sa Pope Mobile na walang panangga sumakay Ang Supremo ng Simbahan todo ngiti at kaway Kahit gabi na kayraming tao bawat daanan Hanggang sa Apostolic Nunciature na pagpapahingahan. -01/16/2015 (Dumarao) *Pope Francis Fever Collection
0
Sep 21, 2019
Sep 21, 2019 at 9:41 PM UTC
Unang Araw ni Papa Francisco sa Pilipinas

My Poem No. 316
JoRaLG
Written by
32/Other/Philippines
Sep 21, 2019
Sep 21, 2019 at 9:41 PM UTC
Request permission to use this poem