Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Ako lang naman yaong hamak na kapuluan Sa kontinenteng Asya bandang timog-silangan Na minsan mo nang dinayo at pinagkanlungan. España, me todavia en tu memoria? ‘Di ba’t hindi ako ang marapat na sadyain? Ika’y nagkamali sa dinaungang lupain! Subalit bakit ka pa nagpumilit sa akin? España, me todavia en tu memoria? Ano bang nasilayan at ako’y binihag mo? Ikaw pa ang naghandog sa akin ng ngalan ko Bininyagan na maging Romano Katoliko. España, me todavia en tu memoria? Langis ng Kristiyanismo ako ay binuhusan ‘Di nga lang lubos dumaloy hanggang talampakan Na kay Allah ay tali na noon pa man. España, me todavia en tu memoria? Tatlong daan, tatlumpu’t taong alipin Dugo’t laman ko’y pinagpumilitang bigkisin Sa kultura’t kamalayang dayuhan sa akin. España, me todavia en tu memoria? Ano bang taglay mo’t nagtiis din sa’yo? Mga dantao’y inabot bago napagtanto Pag-alpas na marapat mula paniniil mo! España, me todavia en tu memoria? Ginang ng karagatan kung ikaw ay turingan Ako’y isa lang pala sa’yong anak-anakan Na sa kapangyarihan mo’y nakipagkumpulan. España, me todavia en tu memoria? Ngayon ay isandaan at sampung taon narin Ang nakalipas nang ako ay iyong lisanin Pero siguradong ikaw ay nandito parin. España, me todavia en tu memoria? Bayani kong si Rizal sa’yo ay nagtungo Upang ipabatid ang aking panlulumo Wika mo’y inaral ngunit balewala sa’yo. España, me todavia en tu memoria? Ngayon ako naman kung nais maunawaan Ang tulang ito na sa’yo ang patukuyan Ang wika kong ito naman ang ‘yong pag-aralan. España, me todavia en tu memoria? España, ako ba’y nasa iyo pang gunita? -08/01/2008 (Miagao) *for PI 100 under Sir Sansait
0
Aug 24, 2019
Aug 24, 2019 at 2:07 AM UTC
España, me todavia en tu memoria?

My Poem No. 31
JoRaLG
Written by
32/Other/Philippines
Aug 24, 2019
Aug 24, 2019 at 2:07 AM UTC
Request permission to use this poem