Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Inyong sinabi, "ang nagugutom ay pakainin at ang nauuhaw ay painumin." Subalit, nang mga kamay at paa'y mapako sa dambanang pinasan mula pa sa malayo, sinabi **** "nauuhaw ako" Ngunit, walang nagkusang bigyan ka ng tubig.
0
Apr 22, 2019
Apr 22, 2019 at 12:42 AM UTC
Nauuhaw Ako

Marami sa atin ang hindi marunong tumanaw ng utang ng loob. Sa panahon na si Kristo'y nabubuhay pa lamang, daan daa't libo libong tao ang kanyang pinakain at silang lahat ay nangabusog. Isa sa kanyang mga pangaral ay ang "nagugutom ay pakainin at ang nauuhaw ay painumin." Ngunit, nang siya'y ipako na sa krus, at sinabing "nauuhaw ako" wala man lang kahit isang naglakas loob na bigyan siya ng tubig. Sa tunay na buhay, totoong may nag-exist na Hesus. Sila'y walang iba kundi ang ating mga kaibigang laging naririyan sa oras ng ating pangangailangan. Pero, naitanong mo ba sa iyong sarili kung isa ka ngang tunay na kaibigan? Dinamayan mo ba siya sa mga oras na siya na ang nagigipit?
donward-bughaw
Written by
19/M/Laparay, Talusan, ZSP
Apr 22, 2019
Apr 22, 2019 at 12:42 AM UTC
Request permission to use this poem