Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Kung ika’y nawawala 'di malaman kung nasaan ka bumulong lamang sa hangin sa bituin ika’y tumingin ...ako ay darating Inuulan ka man ng luha dumungaw man ang kaba darating din ang umaga kaya’t wag kang mangangamba ….nasayo ang aking puso. Huwag, huwag kang mangamba may kasama ka sa pag-iisa mundo man may lumbay huwag kalimutang may kulay. Huwag kang mangamba dahil buhay ay may pag asa kasama sa pag-lalakbay bigyang saysay ang buhay. Mabagal man ang hating-gabi narito lamang sa iyong tabi pakinggan ang sigaw ng iyong puso, naroon lamang ako salubungin natin ang bukas huwag kang mangangamba pagkat 'di ako mawawala.
0
Oct 18, 2018
Oct 18, 2018 at 5:10 AM UTC
Huwag kang Mangamba

jon-jubail-b-aquino
Written by
Oct 18, 2018
Oct 18, 2018 at 5:10 AM UTC
Request permission to use this poem