Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Kanan, kaliwa, taas, baba Kahit saang anggulo mo tingnan Hindi ako magiging sya kailanman Gaano man kalayo ang inyong pagitan Siya pa rin ang iyong inaabangan Kanan, kaliwa, taas, baba Kanan Nilingon mo sa kanan ang kanyang mga ngiti Balot ng iyong paningin ang kanyang mapupulang pisngi Kabisado mo na ang galaw ng kanyang labi Habang umaasang ako nalang ang iyong minimithi Kaliwa Hawak ng iyong mga kamay Ang kanyang balikat na lagi **** akbay Di mapigilang ngiti ang sa sistema mo’y nananalaytay Habang ako’y nakatanaw sa mga tawa **** walang humpay Taas Tumingala sa taas ang iyong noo Pinapanalangan na sana’y maging kayo Hinihingi sa Panginoon na sya’y maging sa’yo Habang ako’y nakatingin sa aking mundo Baba Yumuko ang iyong mukha At tumulo ang mga luha Sa harap ng Panginoon, hiningi mo sya Habang ako’y nananalangin na ako nalang sana Ang mga salitang alay ko sa’yo Ay sya ring mga salitang sa kanya’y sinabi mo Ang mga tingin mo sa kanya Ay kagaya ng mga tingin ko sa’yo Ang kurba ng iyong labi Ang pagpula ng iyong pisngi Ang tingkad ng iyong ngiti Nakikita ko ang sarili ko sayo Sa kung paano mo tinitingnan ang babaeng hindi kailanman magiging ako Kahit hingin ko pa siguro sa mga tala Kahit kay kupido pa ipa-pana Hindi pa rin tayo tugma Ang pagtitig mo sa kanya Ay isang paalala na 'wag na akong umasa Sana kaya kong takpan ang iyong mga alaala Ibaon sa limot at tuluyan nang mawala Sana kaya kong buksan Ang puso kong ikaw lang ang laman At tuluyan ka nang palayain Kahit di ka naging akin Pero kahit anong gawin Ikaw pa rin ang sinisigaw ng damdamin Ilang beses ka mang limutin Araw araw ka pa ring alalahanin Kahit masakit, pipiliting maging masaya Kahit hindi ako Pipilitin kong maging buo Para sa'yo At sa taong mahal mo Kaya bahala na Mahal pa rin kita Kahit sya lang ang nakikita ng iyong mga mata
0
Feb 10, 2018
Feb 10, 2018 at 6:17 AM UTC
Ikaw at Siya

macsyjaay
Written by
17/F/Pagadian City
Feb 10, 2018
Feb 10, 2018 at 6:17 AM UTC
Request permission to use this poem