Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Patawad Inay sa walang pakundangang pagsuway sa iyong mga pinaguutos, Sa walang kagatol-gatol na pagsumbat sa bawat pangaral, Sa walang lamas na pagwaldas sa mga pinaghirapan niyong salapi, At sa patuloy na pakikipagkaibigan sa mga kaaway. Ako, kami, ay hindi na nakikinig, hindi na natututo mula sa mga nangyari noong pahanon mo, mula sa mga karanasang hindi mo malilimutan. Kaya´t Inay sa susunod na mga taon ay sisikapin ko, sa tulong ng aking mga kapatid, ng aking mga kaibigan na patuloy na nagtitiwala sa akin, ay babaguhin ko ang aming bansa. Kami ay magiging radikal upang ang pagbabagong ito ay hindi masayang at maging isang panaginip lamang.
0
Nov 30, 2017
Nov 30, 2017 at 9:25 AM UTC
Pangako

shesanothergirl
Written by
Nov 30, 2017
Nov 30, 2017 at 9:25 AM UTC
Request permission to use this poem