Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Minamahal kita subalit hindi ko ito ikukumpara sa mga tala, sa alon; Hindi ko ito ikukumpara sa mga bagay na karaniwang ginagamit sa tula sa bango ng bagong pitas na rosas sa apoy na walang tigil sa pagliyab Minamahal kita nang hindi ko ito ikukumpara sa mga iyon o sa kahit ano. Minamahal kita dahil sadyang mahal kita — sa katwirang hindi maikukumpara ang aking nararamdaman sa mga bagay na natatanaw, nahahawakan. Minamahal kita dahil sadyang mahal kita walang tulad-tulad walang mga talang kumikinang at along humahaplos walang rosas na kasing bango ng kawalan ng alinlangan walang apoy kung saan ang usok ay kumakaway sa mga ulap at hindi na matanaw. Minamahal kita at hindi ko ito ikukumpara sa kahit ano.   Minamahal kita
0
Aug 20, 2017
Aug 20, 2017 at 9:56 PM UTC
sapagka't mahal kita.

Original poem written August 9, 2017
Written by
Aug 20, 2017
Aug 20, 2017 at 9:56 PM UTC
Request permission to use this poem