Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Dalawang kahoy na upuan At tatlong libong katanungan 'Yan ang ating distansya. Mahihinang muni-muni Sa lagas nang espasyo Kasabay ng maingay kong pagkabasag. Masidhing pagpindot ng telepono Dahan-dahang pagtakbo ng luha Ang bumuo lamang sa ating usapan. Wala na kong masasabi Wala kang balak sabihin Wala nga talaga tayong sinasabi! Sa patuloy na ingay ng kalsada Umalis akong walang balak bumitaw Nagpaiwan ka bagaman matagal nang lumisan.
0
Feb 20, 2017
Feb 20, 2017 at 2:58 AM UTC
Pagtahan

09/22/16 09/30/16
clau
Written by
Feb 20, 2017
Feb 20, 2017 at 2:58 AM UTC
Request permission to use this poem