Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Ako ba'y naghihintay sa wala? Parang kay tagal mo nang nawala Ganun rin ba ang nadarama mo para sa akin Ako lang ba ang ganito sa atin? Sarili ko'y pipigilan Hindi kita hahayaang malaman ang aking saloobin Lahat ay gagawin manatiling kaibigan mo Gagawa ng paraan para makasama mo Hindi ako aamin Ayaw mo naman talaga sa akin Huwag mag-alala, ako'y lalayo na Pagkatapos ng Linggong ito, ika'y kakalimutan na Damdamin ay hindi hahayaang lumago Natatakot na hindi mo naman kayang magseryoso Ano ang aking magagawa Hindi naman planado ang aking pagsinta May mga bago ka bang babaeng kinakausap? May bago ka bang kinikilala? May bago ba na maganda, matalino, masayang kausap at kasama? Anong laban ko eh ayaw mo nga magkwento?
0
Sep 29, 2016
Sep 29, 2016 at 5:59 AM UTC
REMUE /reh-moo/

April 13, 2016 21:00
pairedcastle
Written by
Sep 29, 2016
Sep 29, 2016 at 5:59 AM UTC
Request permission to use this poem