Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Inagaw ka na nga ng himpapawid. Ngunit bago pinatid ng hangin Ang paningin habang ikaw ay Lumulutang-lutang sa panganorin, Tatlong ulit akong nangako sa'yo: Ililikha kita ng alapaap. Sasariwain ko Ang iyong paglingap. Hindi ko Hahayaang manatiling pangarap ang Pangarap. Kahit na hindi man lang kita Nayakap, bago ka inangkin ng mga ulap.
0
Jun 2, 2016
Jun 2, 2016 at 7:33 PM UTC
HINDI KO MAN LANG NAYAKAP

(Para sa lobong hugis puso na nakita ni Allan Popa.)
jose-remillan
Written by
Jun 2, 2016
Jun 2, 2016 at 7:33 PM UTC
Request permission to use this poem