Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Paano nga ba nagsimula ang lahat? Kahit ako ay naguguluhan Sa damdaming di ko lubos maintindihan Bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo Bakit ikaw pa? Di ko matanggap na ako'y Nahulog na sayo ng tuluyan Nakakatawa mang pakinggan Pero sino ba sila, ikaw? Para damdamin koy husgahan? Di man tayo personal na magkakilala Pero bakit yung puso ko Parang matagal na kitang kilala? Lihim kitang nagugustuhan sa higit pa sa iyong nalalaman. Pag-ibig na kaya ito? Ito na ba ang kinatatakutan kung mangyari? Ang umibig sa taong ni minsan ay di Kayang suklian ang pagsintang aking nararamdaman? Sana dumating ang araw na kahit minsan lang Mawala ka naman sa isip ko Kasi kahit saan ako magpunta Ikaw lang ang laman ng isip ko Kung kamusta ka kaya? Kumain ka na ba? Anong ginagawa mo ng ganitong oras? Kung naiisip mo din ba ako? Tila kay daming laman ng isip ko Pero ikaw lang talaga ang nakarating sa puso ko Lagi naman ganyan eh. Puro na lang ikaw? Minsan natanong ko din sa sarili ko. Kelan kaya magiging ako? Yung tipong ako naman ang iisipin mo, maging laman ng puso at damdamin mo. Kahangalan mang maituturing Ngunit paano nga ba mapipigilan Ang bugso ng damdamin? Aasa ba ako? O tuluyan ko na lang Limutin itong aking nararamdaman?
0
Mar 23, 2016
Mar 23, 2016 at 9:33 PM UTC
Pag-ibig na kaya?

Sinulat ko to habang iniisip ko yung lalaking nagustuhan ko through online. Hahaha nakakatawa kasi posible pala talaga na magka-gusto ka sa taong di mo personal na kakilala! Pero nireject niya ako! Allergy ata sa maganda yun! Hahaha peace yow!
Weirdygurl
Written by
Mar 23, 2016
Mar 23, 2016 at 9:33 PM UTC
Request permission to use this poem