Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Ilang taon kang nagtiis, Sa kaniyang pagmamalupit. Ilang taon kang nagtimpi, Hikbi'y wala nang silbi. Sinaktan, binubugbog, inupakan. Sinuntok, binulabog, niyurakan. Pinagsisipa, pinukpok, pinagsamantalahan. Nasaan ang pagmamahal na kailangan? Masisisi mo ba kung luha'y ayaw pumatak? Sa mga matang kinalimutan ang kinabukasan, Sa mga matang inararo ang katahimikan, Ng pamilyang ayaw kang pangalanan. Nasaan ang luhang gustong lumabas? Nasaan ang luhang gustong makatakas? Nasaan ang luhang pilit na kumakalas? Nasaan ang luha sa pag-ibig na nagwakas?
0
Mar 14, 2016
Mar 14, 2016 at 11:35 AM UTC
Nasaan ang Luha?

Written by
Mar 14, 2016
Mar 14, 2016 at 11:35 AM UTC
Request permission to use this poem