Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Isang minuto, kahit isang minuto lang, para matitigan ko pa ang kislap ng iyong mga mata, isang minuto para marinig ko pa ang boses mula sa mapang-akit **** mga labi, isang minuto, isang minuto lang para maramdaman ko pa ang pintig ng iyong pusong sumisigaw ng mahal mo ako. Oo, mahal kita, susulitin ko ang bawat minutong hawak-hawak ko ang iyong mga kamay, sa mga panahong nanatili ka pa ring matatag sa di natin napagkakasunduang mga bagay-bagay, mahal kita, at patuloy kitang mamahalin hanggang sa maubos man ang tinig o ang ating himig, basta pangako, kailanma'y di maglalaho itong aking pag-ibig. Isang minuto, isang minuto lang bago ako umuwi, isang minuto para masabi sa'yo ang bawat katagang nakaukit sa pinakakasulok ng aking puso, mga katagang nais maipabatid itong nagsisidhing damdamin, mga emosyong mahirap ipaliwanag, at bawat bugso ng gunitang nasa bahaging ang meron lang ay ikaw at ako, tayo, at wala ng iba, di natin kailangan ng kanilang opinyon, para lumigaya. Mahal kita, at patuloy kitang mamahalin sinta, dito sa mundong walang kasiguraduhan, nakakasiguro kang minamahal kita, di kita bibitawan, di kita pababayaan, sasamahan kita maging sa gitna man ng ulan, isang minuto lang, oo, isang minuto pa, at pagkatapos nito'y mas mahal na kita.
0
Feb 29, 2016
Feb 29, 2016 at 1:50 PM UTC
Isang Minuto

Copyright © 2016
jkpoetry
Written by
M/Filipino
Feb 29, 2016
Feb 29, 2016 at 1:50 PM UTC
Request permission to use this poem