Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Sa iyong paglisan, gusto kong baunin mo ang; Isang tasang sinelyuhan ko ng halik, tanda ng aking unang halik sa iyo. Isang basong minarkahan ko ng seguridad na kahit saan ka magpunta, naroon ako. Isang kutsarang puno ng pasensya, na pipigil sa ano mang galit sa iyong puso. Isang makapal na balabal ng katapatan na yayakapin ka't patutulugin ng mahimbing sa magdamag. At higit sa lahat... Nais kong baunin mo ang kuwintas ng aking pagmamahal na siyang magpapatunay mula noon hangganga ngayon ikaw at ikaw lamang ang mamahalin ko. Nawa'y tanggapin mo ang mga sangkap ng aking tunay na pagmamahal...
0
Jan 15, 2016
Jan 15, 2016 at 12:23 PM UTC
Sangkap ng Pagmamahal ko

#love, #faithfulness, #feelings, #security, #TagalogPoems, #LikhaatTula
Written by
Jan 15, 2016
Jan 15, 2016 at 12:23 PM UTC
Request permission to use this poem