Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Akala ko tapos na ang mga umaga ko na naiisip kita. Sa unang sulyap sa realidad mula sa mga panaginip na dagliang nawawala, ikaw ang una kong nakikita. Kahit na wala naman talaga ang iyong presensya. Nararamdaman kita. Sa bawat pag pigil ko ng hininga. Sa mga alaala ko ng iyong ngiti na aking isinasatinta. Sa kadena ng pag asa sa posibilidad na mahagkan ka at hindi ako makawala. Sabi nila, ako daw ay tanga. Dahil minahal kita nang sobra. Pero hayaan na. Siguro nga tama sila. Sana sa susunod hindi na kita maisip pa. Sa totoo lang, ang sakit sakit na. Parang hindi ko na kaya. Gusto ko nang bitiwan ang pangalan mo na nakakabit sa salitang, "Sana".
0
Mar 13, 2015
Mar 13, 2015 at 5:16 AM UTC
Alas Siyete

marsbars
Written by
Mar 13, 2015
Mar 13, 2015 at 5:16 AM UTC
Request permission to use this poem