Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Sa malayong baryo ng lalawigan ng Antigo, ng bayan ng San Arden Nakatira kapiling ng ama Sa murang edad, sanay magtrabaho Magpukpok ng pako sa tabla Sapagkat naulila sa inang nagluwal Ikinapahamak ang matagal na pagpapakasakit upang mailabas lang kapagdaka bilang anak niya sa kamalig ng kanyang ama Kinalong ng lolo Mga kamag-anak ay humingi ng saklolo Bumugalwak ang dugo sa patadyong May pag-asa pa bang mailigtas kung dadalhin pa sa bayan nang gamutin ng pantas Sa daraanan sa palayan, kay lakas ng ulan Pumapagaspas ang dahon ng palay Kakaunti lang ang hininga sa di magkamayaw na hangin Talagang binawian na Nautas ang ilaw ng pamilya Sapagkat iisa lang ang bunso't panganay Kailangan sundin ang utos at patnubay Kung nabagot sa kahihintay, sa pag-uwi may sasalubong- hampas ng latigo na maglalatay
0
Jan 4, 2019
Jan 4, 2019 at 4:58 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #42

Written by
23/M/Antique
Jan 4, 2019
Jan 4, 2019 at 4:58 PM UTC
Request permission to use this poem