Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Ako ngayon ay nalugmok Sa sulok nagmumokmok, Malalim na mga sugat Sa kahapo’y idinulot. Ako ngayon ay lumuha Ngunit hindi ako kawawa, Tumulo lamang ang luha Babangon rin ng kusa. Ako man ay nadapa Iginapos sa tanikala, Araw man ay mawala Sisikat pa rin sa umaga. Ako ngayon ay gagapang Papalayo sa pampang, Lilisanin ang hinanakit Sa dibdib na kay sakit. Ako ay magpapaalam na Sa mga sugat na alibugha, Magpapatuloy na ako Kakayanin ko ang mga ito.
0
Jul 9, 2019
Jul 9, 2019 at 1:24 AM UTC
PAALAM

wizmorrison
Written by
22/F/Elm Street
Jul 9, 2019
Jul 9, 2019 at 1:24 AM UTC
Request permission to use this poem