Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Liham na sa anyo ng musika Na nais na ipabatid sa kanila Maaring kwento mo o nila Na kwento ng luha at saya Awit para sa lubos na iniibig O awit ng nawasak na pag-ibig Anyo ng liham na inaawit ng bibig Liham na nilalaman ng dibdib Darating sa puntong tutugtog ang gitara mag isa At walang sasabay na sinomang iba Tatahimik sandali't walang magwiwika Sa kumpas ng darili ng tadhana Awit na pighati ng damdamin Na waring ayaw pa ring aminin Idinaan na lamang sa awitin Dahil masakit kung tanggapin Musika ng saya ng kahapon Na walang nasayang at natapon Ikukubli sa puso at ikakahon Upang makayanan ang buong maghapon Awit na may sinasabi Tugtog na may pakawari Na siya ngang naghahari Maging anoman ang kulay at uri. -JGA
0
Sep 3, 2020
Sep 3, 2020 at 2:15 PM UTC
Awit ng Musika

pusang-tahimik
Written by
31/M/Quezon City, Philippines
Sep 3, 2020
Sep 3, 2020 at 2:15 PM UTC
Request permission to use this poem