Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Oo ginawa mo na ang lahat Binigay mo ang higit pa sa nararapat Bumangon, tumakbo at tumalon ka na Nagkandasubsob at nagkadapa-dapa ka pa Tumawid ng bundok at ng mga karagatan Ikaw ay nalunod at nasaktan Nagsunog ng kilay, at kinalimutan ang tulog Hinarap mo lahat at ikaw ay nagpabugbog Ginawa mo ang lahat ng makakaya mo Ngunit ikaw ay nabigo Masakit, oo! Walang duda yan Lalo na kung nalahat na ang iyong kakayahan Nakakalugmo at nakakadusa Nakakaiyak at nakakawalang pag-asa Parang pinagsukloban ng langit at lupa Parang pinagkaitan ng lahat ng mga tala Mahirap! Masakit! Oo alam ko Pero hindi pa ito ang huli o dulo Maniwala ka sakin, mahirap pero kakayanin Masakit pero hindi imposibleng gawin Kung kelan nakasuka ka na ng dugo Tangina! Ngayon ka pa ba susuko?
0
Jun 20, 2016
Jun 20, 2016 at 8:10 AM UTC
Ngayon Pa?

Lets just say that something happened...
Stitch
Written by
20/F
Jun 20, 2016
Jun 20, 2016 at 8:10 AM UTC
Request permission to use this poem