Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
sa isang minsan naglaro ang tadhana, pinagtagpo ang mga mata ng dalawang uhaw sa kahulugan sa isang minsan nagsimula ang tagu-taguan, mga salitang walang kahulugang sinasambit ng mga labing mapagpanggap, sa isang minsan nagdikit ang mga labi, pilit itinago ang init na nadama ngunit mga ngiti natin ang nagsasabi sa isang minsan maipapakita natin sa lahat na nandito tayo para sa isa’t-isa at di na kailangan pang matakot sa panghuhusga sa isang minsan, kailangan nating maniwala sa pagdating ng oras at tadhana, magkasamang lalaya, sa isang minsan masasambit rin natin ang ating pagsinta, sa isang sulyap na walang takot, walang alinlangan, sa isang minsan ang minsan ay magiging walang hanggan, panghabang-buhay, kahit saan, kahit kailan, kahit anong oras sa isang minsan darating rin na magtutugma ang tadhana kaya’t makontento muna tayo sa mga nakaw na sandali, sa isang minsan magtatagpo ang ating mga mata at ngiti kahit na walang kahulugan, kahit na tayo’y nasasaktan, sa isang minsan tayo ay nagkatagpo at nagmahalan, kahit alam nating tayo ay sawi, sa pag-ibig nating tulad ng ulan sa isang minsan
0
Nov 4, 2019
Nov 4, 2019 at 7:09 PM UTC
sa isang minsan

Ito nakagawa na rin ng legit na ngayong taon ko nagawa, ang hirap maghanap ng poetic inspiration, pero heto buhay na uli. Tag-ulan eh.
michaelCSH
Written by
Nov 4, 2019
Nov 4, 2019 at 7:09 PM UTC
Request permission to use this poem