Sa tubig na bumabalot sa ating lupa,
Mababanaag ang katotohanan;
Pagkat ang tubig ay pantay sa lahat ng nilikha.
Tayo’y bahagi ng malawak na karagatan
Ng pakikipag-kapwa, ng pantay na pamumuhay;
Kaya’t dama ng bawa’t isa ang kasalanan ng iilan.
Marahil dahil sa tubig na bumaha sa lupa,
Na kanilang sinaklaw, gamit ang makamundong hangarin;
Ginamit ang talinong hiram sa masamang adhikain.
At dahil pantay nga ang pagtrato ng tubig sa atin,
Ang lahat ng maghangad ng higit sa kaya nilang inumin
Ay malulunod sa sariling kasakiman.
Pagkat ang tubig, ilog, dagat, at karagatan—ay kakampi ng Pilipino;
Tayong mga dating taga-ilog, mga Tagalog,
Ngayo’y muling ginagabayan
Ng makabagong anyong tubig…
Na sa kanyang pagdating, may dalang pagkasira,
Ngunit sa pagkasira, naroon ang pagbangon.
Sapagkat dumadaloy ng pantay ang tubig sa lahat ng nilikha,
At tayo’y bahagi ng isang dakilang karagatan.
Sa baha at sa sigalot na dulot nito,
Natitipon din ang pag-asa ng bayan.
Sep 21, 2025
Sep 21, 2025 at 8:19 AM UTC
"Nak, kumusta ka na?" habang inihahain yung Cinnamon bread mula sa oven.
"Naku, Ma'am. Ito single pa rin, dami ko pa kasi need patunayan sa sarili ko."
"Gaganda na nga ng mga na-achieve mo eh kulang pa ba? Hanapin mo rin yung magpapasaya sayo, ako nga simpleng life lang pero masaya ako sa partner ko at sa work ko."
Bumulong sa katrabaho, "Siya yung sinasabi kong prof namin na life coach rin. Pinakilala niya sa akin yung the Ballad of the Lonely Masturbator ni Anne Sexton. Sobrang ganda niya pumili ng mga piyesa para sa class namin."
Ay, Ma'am, si Ara nga po pala. Katrabaho ko."
"Ay, hi po, Ma'am."
"Ikaw ba, pinopormahan ka ba nitong si Michael?" Pabirong udyok ni Ma'am Pola.
"Ingatan mo si Michael, mga sunod na faculty to ng CAL."
"Ay, Naku, Ma'am. Di po ako qualified, baka maligaw ng landas mga taga ABE. Hehe."
"Lahat naman tayo, may mga bagay na akala natin di pa tayo qualified, pero binibigay sa atin kasi may mga taong alam kung ano talaga kaya natin. Ngayon lang yung memo nagrerequire ng Masters kaya di na kayo makapasok. Tignan niyo nga kayo, ang gagaling kaya ng batch niyo."
"Oh, eto nak, mainit-init pa yung order mo, apat na boxes ng Cinnamon bread. Pasensya ka na ginabi ka na ang dami ko ring binebake, baka may pasok ka pa bukas."
"Ay, salamat po, Ma'am. Buti po at bumuti-buti na pakiramdam niyo. Solid po yung mga binabake niyo sana mabuksan niyo uli yung store niyo sa may great wall."
"Ay naku, hoping and praying anak. Sana maging masaya family mo sa binake ko."
"Naku, Ma'am, bentang benta to kasi minarket ko na sa kanila. Sana kahit papaano nakatulong po ako."
"Thank you, Mike ah. Balitaan mo ako at kumustahan tayo sa kape pag may time pa."
"Bye, Ma'am. Ingat po kayo lagi."
Oct 29, 2022
Oct 29, 2022 at 9:27 PM UTC
Under the blankets are marks of love and hate
For you and our never-ending struggle;
Claws marked under the skin, or swords of words
Still I talk to you in my head, tiny whispers lingering
For the beating that slowly recuperates with wild imaginings
Of healing and warmth of the faithful, forgiving,
Embracing the cold of the storm and the thundering
Blows that echoes deep in the night
In my momentary solitude, once ours.
Once hours of love, now marked, blighted.
The faithful, the living, leaving with scars.
Under the blankets are traces of you
Marred and married in my skin,
Wounded deep with pain
- The heat lost its flame.
Oct 25, 2022
Oct 25, 2022 at 3:14 AM UTC
They were all looking at the bubbles then it popped.
“Argh! My eyes! Ma!”
“I told you, you’re not supposed to stare at the bubbles when it floats right on your eyes”
“But it’s beautiful and I see the mini-rainbows while it wobbles in the sky.”
The mother and the child went staring at the bubbles floating as they fly above the orange skies.
He blew another, carefully - eyes shining with excitement.
“Look, Mom! This one is bigger! I blew it slower than the other, this one will not pop.”
The cold wind blew with the ruffling of the grass as if clapping.
The bubble wobbled and wobbled on the orange sky
Passed by the resting sun, magnifying its beauty, it glittered.
The boy’s eyes shimmered in excitement.
Pop!
“Not again!” the boy sighed in exasperation.”
He asked, “Where do bubbles go when they pop?”
She looked at him intently.
She smiled, “they become the clouds, like tiny bubbles watching over us.”
“Why would they watch over us?”
“For in time, they will know that the sun will burn our skin, then they will come as rain.”
“Well, let me make more bubbles, so we can play with You in the rain.”
Don’t Forget the Bubbles
Dec 4, 2019
Dec 4, 2019 at 3:38 AM UTC
sa isang minsan
naglaro ang tadhana,
pinagtagpo ang mga mata
ng dalawang uhaw sa kahulugan
sa isang minsan
nagsimula ang tagu-taguan,
mga salitang walang kahulugang
sinasambit ng mga labing mapagpanggap,
sa isang minsan
nagdikit ang mga labi,
pilit itinago ang init na nadama
ngunit mga ngiti natin ang nagsasabi
sa isang minsan
maipapakita natin sa lahat
na nandito tayo para sa isa’t-isa
at di na kailangan pang matakot sa panghuhusga
sa isang minsan,
kailangan nating maniwala
sa pagdating ng oras at tadhana,
magkasamang lalaya,
sa isang minsan
masasambit rin natin ang ating pagsinta,
sa isang sulyap na walang takot,
walang alinlangan,
sa isang minsan
ang minsan ay magiging walang hanggan,
panghabang-buhay, kahit saan,
kahit kailan, kahit anong oras
sa isang minsan
darating rin na magtutugma ang tadhana
kaya’t makontento muna tayo
sa mga nakaw na sandali,
sa isang minsan
magtatagpo ang ating mga mata at ngiti
kahit na walang kahulugan,
kahit na tayo’y nasasaktan,
sa isang minsan
tayo ay nagkatagpo at nagmahalan,
kahit alam nating tayo ay sawi,
sa pag-ibig nating
tulad ng ulan
sa isang minsan
Nov 4, 2019
Nov 4, 2019 at 7:09 PM UTC
I adore you…
Your will undeniable,
Your word unbreakable,
Your strength undefeatable,
I never stood a chance.
You’re the all brave, all mighty,
omnipotent, omniscient,
The giver of life, the righteous,
And I must follow you, obey you
Follow your footsteps, or be punished,
But I was disobedient,
a curdled flesh
unworthy of my creator,
A disgrace in his presence.
…
“Bless me, father, for I have sinned.”
(Your mighty fists resound inside my head.)
“Forgive me for defying you.”
(Your glorious feats like whippings I can’t bear.)
“Save me from this darkness, my savior.”
(Your word a storm outside my world.)
“And mold me in your spirit.”
(I hated you.)
“Amen.”
…
I am a follower of your girdled path through goodness,
A witness of your immortal rule.
Sep 5, 2019
Sep 5, 2019 at 11:05 AM UTC
It never flowed fast inside
the river- never hushed
and chased its mark and fell
above the skies
lonely lullabies
cold whispering screams
loud and lonely, deep
and shallowly glowing
like tears do shine while
falling, crashing,
clashing
slow, the blows do touched
its face disturbing silence
till it touched the last of stones
the waves will stop its shaking
leaving echoes singing
Living echoes singing
though dread from deep
though dark beneath
Lively masked with seamings
The river flows a toiling
Jul 1, 2019
Jul 1, 2019 at 8:16 AM UTC
The rain is pouring all its fears,
in our eternal journey;
and though we tread in flooding tears,
our eyes can sail the sea.
Tonight our hearts be light
in paths we dare not cross,
tonight though frail and weak of sight
our feats we dare not pause,
But then the rain turns to storm
And hardly we can cross-
Our fires inside will keep as warm
-will never fear our loss.
We, the scriptures of the new
And hardly they can comprehend,
But stay with what you know is true,
The voice inside will send.
Do not fear of growing old
with the fear of growing cold;
for in life, the stories told
were only from the bold.
Jul 1, 2019
Jul 1, 2019 at 8:12 AM UTC
Hapon tayo unang nagkita at pareho tayong nag-iisa
dinadamdam mo ang lamig ng kahapon, ang paglisan
minamasdan ko sa layo ng araw ang iyong halina
Mahirap mag-intay sa ilap ng mga sulyap,
tanglaw sa tuwing naghahanap-kayakap
sa mapangakit na halina ng mga ngiti sa labing
malabong magdikit kahit sa pangarap
Sana’y sapat na ang mga awit
ng mga tulang binigkas sa hangin,
nagbabakasakaling maipadama ang lalim
at tugma ng pag-ibig na nilihim
Sa gabi, mag-isa na naman at dama ang lamig
yakap ang unan, hawak ang kumot
nag-iilusyong kasama ka
Sana’y maulit muli ang sumpa
sana’y walang takot sa halina
‘pagkat sanay na tayo sa lamig ng gabi
alam na natin ang ingay o init
at takot na tayong mabighani
Sa umaga, mag-isa na naman at dama ang init
masaya na sa halik ng kape sa labi
nag-iilusyong kasama ka.
Hapon tayo unang nagkita at pareho tayong nag-iisa
dinamdam mo ang lamig ng kahapong kaysakit
ninamnam ko ang tamis ng kalayaan sa pasakit
sana’y tanghali nalang tayo nagkapiling
sana’y di pa sanay o manhid sa pag-ibig.
Tadhana
Michael Joseph Aguilar Tapit
6/19/2016
Nov 6, 2018
Nov 6, 2018 at 4:40 PM UTC
Hindi na ako muling uulit sa mga saglit ng pagiging makata
sapagkat mahapdi sa tenga ang magkaroon ng isang bagong awit
kahit pa walang mabulaklak na salita ang paliparin
dinig pa rin ay ang bulaang himig ng pagiging batang ganid
Sapagkat musmos pa, at isinumpang maging mahina
dapat na laging maniwala sa mga sabi-sabi
sumunod sa paikot-ikot na pagkirot na dulot ng pagiging salot
naniniwalang kami’y uod ganid sa mga pangarap na dulot ng paglaki
Ngunit ang totoo’y hangad lang namin ay lumipad, at maging malaya
Bakit nga ba ganid at mapangangkin ang tingin sa mga makata?
dahil ba ang kanilang mga awit ay tungkol sa pagbibigay laya?
Bakit nga ba mayabang at mapagmataas ang tingin sa mga bata?
dahil ba sa kanila’y nag-aabang ang panibagong bukas?
O lahat ay dahil sa mga sabi-sabi ng mga matatanda.
Ito na nga ang huli kong awit
Sapagkat ang pagiging makata
At ang pagiging bata
Ay ang pagbabakas
ng bagong paniniwala.
Nagsalita na Naman ang Baliw
Michael Joseph Aguilar Tapit
Nov 6, 2018
Nov 6, 2018 at 4:37 PM UTC
