Minsan, sa gitna ng ingay ng lungsod,
may batang tumatakbo sa loob ng alaala ko.
Naririnig ko ang yabag niya sa kalsadang hindi pa sementado—
yung lupa na kumakapit sa talampakan
na parang ayaw kang hayaang lumaki agad.
May alikabok sa binti,
may amoy ng palayang bagong gapas,
at may araw sa batok
na parang palad ng mundong marahang nagtutulak sa likod ko.
Bata pa ako noon—
sapat na ang isang langit
para maniwala na bukas
ay isa na namang dahilan para tumawa.
Naalala mo ba ang sapatos na laging basa sa ulan?
Ang bawat hakbang ay may tunog ng tubig,
Parang munting ilog
na ayaw akong iwan.
Hindi ko pinapansin noon ang pagkasira,
sapagkat ang mahalaga lamang ay makarating—
kahit hindi ko pa alam kung saan patungo ang landas.
Ngayon, tuyo nga ang sapatos ko,
pero pakiramdam ko’y naglalakad ako
sa isang kalsadang walang dulo,
Na ako rin ang hindi marunong lumikha ng kanto.
Bumabalik-balik sa isip ko
ang simpleng gutom na kayang lunasan ng kanin at asin—
yung asin na parang maliit na bituin sa ibabaw ng kanin,
na sapat nang patunay na may saya pa ang mundo.
Naalala ko rin ang sigawan sa kalsada
habang naglalaro ng tumbang preso,
ang takbong walang dahilan
kundi ang takot na ma-“taya.”
Noon, ang takot ay parang asong hahabol sandali—
kapag tumakbo ka nang mabilis,
maiiwan din siya sa alikabok.
Ngayon, ang mga takot ay hindi na napapawi ng takbuhan.
Tumatambay sila sa likod ng bawat araw
na parang aninong marunong maghintay.
Tahimik sila,
pero hindi kailanman umaalis.
Minsan iniisip ko—
Nasaan na ang batang iyon?
Ang batang hindi marunong mahiya sa pag-iyak,
ang batang sumisigaw ng “gusto ko pa!”
kahit alam niyang papagalitan siya ng mundo.
Marahil naiwan siya
sa isang sulok ng lumang paaralan,
kung saan ang kampanilya
ay parang pusong tumitibok sa umaga.
O baka sa ilalim ng punong mangga
na noon ay parang buong planeta
para sa batang marunong umakyat.
O baka—
nasa akin pa rin siya.
Tahimik lamang.
Parang lihim na apoy
na naghihintay ng konting hangin.
Naghihintay ng sandali
na maramdaman kong muli
na may araw pa rin sa batok ko.
Kung sakaling marinig mo ito,
bata kong sarili,
salamat sa paniniwala mo
sa mundong hindi mo pa naiintindihan.
Dinala ko ang paniniwalang iyon hanggang ngayon—
pero minsan pakiramdam ko
naiwan sa iyo
ang araw na dati kong dala sa batok.
Mar 5
Mar 5, 2026 at 7:15 PM UTC