Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
OmarValdezamo-Tolosa
OmarValdezamo-Tolosa
36/M
nagigising ako hindi dahil gusto ko kundi dahil kailangan ang alarm hindi tunog kundi utos kape kung meron kung wala—tubig pareho lang ang lasa kapag wala kang gana maliligo hindi para gumaan kundi para maging presentable sa sistemang hindi ka naman kilala lumabas sumakay— lakad—tricycle—jeep—bus—lakad pare-pareho ang mukha hindi dahil magkamukha kundi dahil iisa ang pagod may amoy ang umaga pawis na hindi pa nangyayari at pagkatalong nakaabang pabrika punch in parang may kumagat sa oras ko oras ang tumatawag hindi pangalan sa loob— ingay na nagiging hangin init na pumapasok sa buto’t kalamnan hawak ko ang bakal magaspang parang galit na hindi maipaliwanag yung katabi ko may bagong balot sa daliri kahapon naiwan ang piraso ng daliri sa sahig ngayon nandito ulit siya ganun lang may dugo minsan pero pinupunasan parang natapong tubig bawal mabagal bawal mali bawal mapansin kaya ginagawa ko ang mukhang tama pero minsan— hinahayaan kong lumihis ng konti isang turnilyo hindi masyadong mahigpit isang galaw na kalahating segundo ang atraso wala namang babagsak hindi agad pero may maiiwang hindi eksakto lunch kanin ulam kung ano meron ang pagnguya ko parang may quota balik ulit ulit ulit hanggang maging tunog na lang ang buong araw uwian lakad—mrt—bus—tricycle—lakad may batang umiiyak walang pumapansin may matandang tulog walang gumigising umuwi ako hindi na naghugas may langis pa sa ilalim ng kuko kumain kung meron kung wala tubig higa at minsan naiisip ko— marahil hindi makina ang kalaban ko kundi ang kumokontrol dito: galaw, oras, at buong mekanismo nito mga patakarang nakatago sa pangako na hindi mo na napapansin kapag matagal ka nang pagod mga bagay na parang wala lang pero buhay ang kapalit may hangganan ba ang isang araw o paulit-ulit lang itong binubuo para hindi natin makita ang dulo at isang araw mapapansin nila na may mali at hindi tayo iyon tulog kasi bukas gigising ulit ako at uulit muli.
0
May 6
May 6, 2026 at 12:38 AM UTC
LANGIS SA ILALIM NG KUKO

Continue reading...
111
May mga umagang hindi nagsisimula sa liwanag kundi sa mahinang tunog— ang paulit-ulit na tik-tok ng oras na hindi na maibabalik. Doon ako natutong bumangon nang hindi tinatanong kung bakit, isuot ang pangalang ipinagkaloob sa akin na kasya sa papel— sa pirmahan. May nagsabi: ang buhay ay isang mahabang pila— at darating ang sandali na tatawagin ang iyong numero. Hawakan ang papel na may nakasulat nang direksiyon, sapagkat ikaw na ang susunod. Sa pagitan ng paghinga at pagganap, may sandaling dumudulas ang mundo— parang pintuang hindi tuluyang sumasara. Doon ko naririnig ang mga tanong na hindi itinuro: kung sino ang nagtakda ng hakbang, kung bakit kailangang magmadali patungo sa isang lugar na walang tiyak na naghihintay. Unti-unti kong nakikilala ang lamig— hindi yaong kayang itaboy ng araw, kundi yaong naninirahan sa loob ng mga araw na magkakatulad ang mukha. At kung ako ang isusunod sa pag-ikot ng parehong gulong, sa pagbigkas ng parehong sagot, sa pag-uwi sa parehong pagod— ano pa ang matitira sa akin na hindi pa nagagamit? May mga umagang pinipili kong hindi kumilos. Hindi iyon paghinto— kundi isang uri ng pakikinig: sa tibok na hindi nakaayon, sa hiningang tumatangging maging sukatan. Sapagkat darating ang araw na wala nang tatawag sa aking pangalan— at mauunawaan ko na ang pinakanakakatakot ay hindi ang maubos ang oras, kundi ang magamit ito nang hindi kailanman naging akin.
0
Mar 26
Mar 26, 2026 at 9:44 PM UTC
Ang Oras na Hindi Akin
Minsan, sa gitna ng ingay ng lungsod, may batang tumatakbo sa loob ng alaala ko. Naririnig ko ang yabag niya sa kalsadang hindi pa sementado— yung lupa na kumakapit sa talampakan na parang ayaw kang hayaang lumaki agad. May alikabok sa binti, may amoy ng palayang bagong gapas, at may araw sa batok na parang palad ng mundong marahang nagtutulak sa likod ko. Bata pa ako noon— sapat na ang isang langit para maniwala na bukas ay isa na namang dahilan para tumawa. Naalala mo ba ang sapatos na laging basa sa ulan? Ang bawat hakbang ay may tunog ng tubig, Parang munting ilog na ayaw akong iwan. Hindi ko pinapansin noon ang pagkasira, sapagkat ang mahalaga lamang ay makarating— kahit hindi ko pa alam kung saan patungo ang landas. Ngayon, tuyo nga ang sapatos ko, pero pakiramdam ko’y naglalakad ako sa isang kalsadang walang dulo, Na ako rin ang hindi marunong lumikha ng kanto. Bumabalik-balik sa isip ko ang simpleng gutom na kayang lunasan ng kanin at asin— yung asin na parang maliit na bituin sa ibabaw ng kanin, na sapat nang patunay na may saya pa ang mundo. Naalala ko rin ang sigawan sa kalsada habang naglalaro ng tumbang preso, ang takbong walang dahilan kundi ang takot na ma-“taya.” Noon, ang takot ay parang asong hahabol sandali— kapag tumakbo ka nang mabilis, maiiwan din siya sa alikabok. Ngayon, ang mga takot ay hindi na napapawi ng takbuhan. Tumatambay sila sa likod ng bawat araw na parang aninong marunong maghintay. Tahimik sila, pero hindi kailanman umaalis. Minsan iniisip ko— Nasaan na ang batang iyon? Ang batang hindi marunong mahiya sa pag-iyak, ang batang sumisigaw ng “gusto ko pa!” kahit alam niyang papagalitan siya ng mundo. Marahil naiwan siya sa isang sulok ng lumang paaralan, kung saan ang kampanilya ay parang pusong tumitibok sa umaga. O baka sa ilalim ng punong mangga na noon ay parang buong planeta para sa batang marunong umakyat. O baka— nasa akin pa rin siya. Tahimik lamang. Parang lihim na apoy na naghihintay ng konting hangin. Naghihintay ng sandali na maramdaman kong muli na may araw pa rin sa batok ko. Kung sakaling marinig mo ito, bata kong sarili, salamat sa paniniwala mo sa mundong hindi mo pa naiintindihan. Dinala ko ang paniniwalang iyon hanggang ngayon— pero minsan pakiramdam ko naiwan sa iyo ang araw na dati kong dala sa batok.
0
Mar 5
Mar 5, 2026 at 7:15 PM UTC
Liham Mula sa Batang Iniwan Ko sa Nakaraan

68
Hindi ko alam kung bakit nagagalit ang langit. Dati, asul lang siya— may ulap na mukhang hayop, may araw na parang dilaw na kendi. Ngayon, maingay siya. Dati’y mga lumilipad na ibon, ngayon ay nagwawalang eroplanong pandigma. Kapag sumisigaw ang sirena, hinahawakan ni Inay ang kamay ko na para bang mawawala ako kahit magkatabi lang kami. Sabi nila, “humiga ka sa sahig,” “takpan ang ulo,” “huwag kang iiyak.” Pero paanong hindi iiyak kung ang lupa mismo ang nanginginig sa bawat pagbagsak ng bomba? Para kaming laruan na niyuyugyog ng higanteng hindi namin kilala. May mga bagay na hindi ko na mahanap— ang pula kong sapatos, ang paborito kong tasa, ang pader na may marka ng taas ko noong pitong taon ako. Ngayon, walong taon na ako. Pero pakiramdam ko mas matanda ang puso ko. May kaibigan akong hindi na pumapasok. Sabi nila, “lumipat na sila.” Pero bakit parang bulong iyon, at bakit may luha sa dulo ng salita? Sa gabi, hindi ako natatakot sa multo. Mas natatakot ako sa mala-halimaw na tunog ng pagsabog, sa dumadagundong na kulog na walang dalang ulan. Minsan iniisip ko— kung may nag-away man, pwede ba silang mag-sorry na lang? Pwede bang magpalit ng laruan, magbati, magkamay? Hindi ko alam ang mga dahilan nila. Hindi ko alam ang mga pangalan ng mga taong nasa radyo. Ang alam ko lang, gusto kong bumalik ang katahimikan na hindi nakakatakot. Gusto kong marinig ulit ang aso namin. Gusto kong magbilang ng bituin na hindi nasasapawan ng usok. Kapag tumahimik ang langit, baka bumalik ang mga kulay. Baka hindi na kailangan ni Inay na hawakan ang kamay ko nang ganito kahigpit. Kapag tumahimik ang langit, gusto ko ulit maging bata.
0
Mar 2
Mar 2, 2026 at 10:17 PM UTC
Nagagalit ang Langit

61
Hindi mo alam na sa tuwing dumadaan ka sa corridor umaayos ang mundo ko kahit sandali lang— parang may nag-mute ng ingay at sa mga salitang hindi ko kayang sabihin. Tahimik lang ako noon. Hindi dahil wala akong nararamdaman, kundi dahil sobra. Pinili kong maging upuan sa likuran, pader na may sandalan sa hapon, pangalan sa attendance na hindi kailangang ulitin. Nakikita kita— hindi lang sa bagong ayos ng buhok o sa mahinahon **** paglalakad, kundi sa paraan ng pagtitig mo sa salamin na parang may kinakausap kang mas matapang na ikaw. May mga gabing hawak ko ang ballpen, nakatitig sa stationery paper na may naunang “Kamusta ka?” na ilang beses ko nang sinimulan. Isusulat ko na sana ang “I love you.” Pero binubura ko rin— parang kasalanang walang nakahuli kundi ako. Hindi dahil hindi totoo, kundi dahil baka kapag nagsalita ako magbago ang lahat. Mas madali ang maging tahimik. Mas ligtas ang hindi mangarap nang malakas. Mas kontrolado ang pusong hindi umaamin. Hanggang sa dumating ang araw na ang mga larawan natin magkakatabi na lang sa graduation album— hindi magkahawak, hindi magkatabi sa upuan, pero magkasama sa isang panahong hindi na mauulit. Ngayon, kapag may nagtanong kung minahal ba kita, ngingiti lang ako. May mga pag-ibig kasing hindi sinusukat sa kung sino ang napasagot— kundi sa kung sino ang tinuruan **** maging mas mabuti kahit hindi mo alam. At kung sakaling mabasa mo ito balang araw, malalaman mo rin: hindi ako naging tahimik dahil wala akong lakas ng loob— naging tahimik ako dahil mas kaya kong mawala kaysa mawala ka sa maliit kong mundo.
0
Mar 2
Mar 2, 2026 at 9:03 PM UTC
Sa Mga Bagay na Hindi Ko Inamin

59
Hindi ko pinili ang lupang ito— dito ako inabutan ng habagat, dito natutong sumuot ang hangin sa pagitan ng mga tadyang hanggang marinig ko ang sariling tindig. Ang ilog ang unang nagturo sa akin ng pag-uwi: ang pagliko kahit may batong nakaharang. Sa paanan ng bundok ko natutuhan na ang katahimikan ay hindi kawalan kundi bigat na marunong maghintay. Sa bawat hakbang ko’y may naunang bakas— mga kamay na nagbaon ng binhi sa lupang bitak-bitak sa tag-araw, mga tinig na bumigkas ng bukas kahit kumikiskis ang dilim sa bubong. Hindi ito utang kundi pag-alaala: na ang katawan ay hiniram lamang sa mahabang hininga ng lupa. Kaya ako’y makikinig— sa payo ng damuhang marunong yumuko sa bagyo, sa batas ng dagat na umaatras upang muling sumalakay, sa paaralan ng pawis na walang diploma. At kung sakaling tawagin ako ng panahon, ibibigay ko ang lakas na hindi naghahanap ng pangalan. Sapagkat ang bayan ay naroon sa kamay na muling nagtatanim, sa paa na bumabangon bukas, at sa araw-araw na pagtindig.
0
Feb 12
Feb 12, 2026 at 7:13 PM UTC
PAGTINDIG
Hindi pala puso ang sentro ng pag-ibig— kundi ang pagitan ng dalawang bituin na patuloy na naglalayo habang pilit inaabot ang isa’t isa sa pamamagitan ng liwanag. Sabi ng agham, lumalawak ang uniberso. Lahat ay papalayo, lahat ay nagiging alaala ng distansya. Ngunit may mga bagay na hindi sumusunod sa utos ng pisika— tulad ng iyong pangalan na nananatiling umiikot sa sarili kong grabidad. May mga gabing iniisip kong baka tayo ay dark matter: hindi nakikita, ngunit dahilan kung bakit hindi tuluyang nagkakawatak-watak ang kalawakan ng aking pagkatao. At kung ang infinity ay hindi bilang kundi direksiyon— ikaw ang aking patuloy, ang walang dulo ng paghahanap, ang ekwasyong hindi malutas kahit ipagpalit ko ang buong buhay sa isang sandali ng pag-unawa. Sa bawat paghinga, may sumasabog na bituin sa loob ko. Sa bawat paglapit mo, may bagong konstelasyong nabubuo sa pagitan ng ating katahimikan. Pag-ibig, marahil, ay hindi pag-angkin kundi pag-iral sa parehong walang-hanggan: dalawang kamalayang naglalakbay sa malamig na espasyo, umaasang sa kabila ng paglawak ay may sandaling magtatagpo ang ating liwanag— at doon, sa gitna ng dilim na walang hanggan, matutuklasan natin na ang uniberso ay hindi kailanman naging malaki, kung ikaw ang sukat.
0
Feb 11
Feb 11, 2026 at 10:05 PM UTC
Habang Lumalawak ang Uniberso
Akala ko ako ito— ang pangalang paulit-ulit kong binibigkas, ang anyong kinikilala sa salamin, ang boses na inuuna sa lahat ng ingay. Pero minsan, mali ang rinig ko sa sarili. “Matatag,” sabi ko— ang totoo pala’y “matagal” nang napapagod. “Buó,” ang akala— “buhó” lang ng mga pirasong pinulot sa iba. Sa pagitan ng isip at katawan may mga salitang nagkakapalit: takot na nagiging tapang, lungkot na tinatawag kong pahinga. Ganito siguro mabuo ang tao— parang liriko ng kantang hindi sigurado, inuulit hanggang magmukhang tama, hanggang paniwalaan ng dibdib ang sariling bersyon. Ako ang nakikinig, ako rin ang mali ang dinig. At sa pagkakamaling iyon unti-unti kong natutunang pangalanan ang sarili— hindi bilang eksaktong kahulugan, kundi bilang tunog na patuloy na hinahanap ang tamang pagbigkas.
0
Feb 10
Feb 10, 2026 at 8:16 PM UTC
MONDEGREEN NG SARILI
Hindi ang bagahe ang una kong nakita kundi ang tiklop ng mga damit: isang kaalamang hinubog ng katawan, masyadong maingat para sa bigla, masyadong sanay para sa hindi pa nangyayari. Nakatayo ako sa pagitan ng hininga at pangalan. Walang dapat ikatakot, ngunit ang hangin ay may sariling pag-alam. Hindi ito takot. Ito ang katawang nauuna sa isip, nagbabantay sa sarili laban sa sugat na wala pang wika. Ang bukás na zipper— isang pangungusap na kusang huminto. Sa loob, mga telang magkakaiba ang panahon, nagkakatabi sa pansamantalang ayos, na tila pinagpasiyahan ng pagkawala. Amoy sabon. Amoy binurang bakas. Hindi ko alam kung bakit naisip kong may umaalis. Hindi ko rin alam kung bakit tiyak akong may naiwan. Hinawakan ko ang labi ko: isang kilos na mas matanda kaysa alaala. Alam ng mga daliri ang hangganan ng kirot. Lumayo ako sa bagahe. Hindi dahil sa paggunita Kundi sa pag-unawa: Sapagkat ang bawat hakbang patungo sa susunod na kahulugan ay isa ring hakbang patungo sa sugat. At may mga sandaling ang pagtanggi sa kaalaman ay hindi kamangmangan, kundi isang anyo ng pag-iingat sa sarili.
0
Jan 29
Jan 29, 2026 at 1:00 AM UTC
Sa Harap ng Isang Bagahe
Aking lungsod, pahingahin ang iyong mga anino sa pagitan ng mga poste at dingding, sa halik ng malamig na hangin na dumadaan sa mga eskinita. Paglakbayin ang liwanag sa iyong ugat, sa ilalim ng bubong ng mga bubong, sa pagitan ng mga sigaw at huni ng jeep, na tila musika ng mga nawawalang pangarap. Patayin mo muna ang iyong mga ilaw, at hayaang marinig ang tibok ng semento, tuklasin ang lihim sa pag-ikot sa bawat kabahayan, pakinggan ang mga kwento ng bawat tahanan. Sa muling pag sikat ng araw, may bagong halakhak ng ulan sa mga kanal, may bagong sayaw ng ulap sa ibabaw ng mga gusali, at bagong himig sa bawat sulyap ng naglalakad.
0
Jan 5
Jan 5, 2026 at 2:59 AM UTC
Lungsod