Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Mahilig ka sa mga bulaklak lalo na 'yong may mga matitingkad na kulay. Hilig mo sila dahil kaya ka nilang pakinggan. Walang bahid ng panghuhusga. Naiintindihan nila ang mga kuwento na bihira **** ibahagi sa iba. Ilang beses na nilang nasilayan ang mga pag-ibig, ang mga sakít, ang kung paano ka mag-ipon ng tapang, ang kung paano ka maduwag. Matalik mo siláng mga kaibigan. Mahilig ka sa mga bulaklak at parati kang umaasa na dadalhan ka niya ng mga ito. Hindi ka nabigo. Hindi ka nabibigo. Gaya ng mga paborito **** rosas, tulips, at mariposa, nagagawa niyang ika'y intindihin. Makailang ulit niya na ring nakita kang umiyak, tumawa, matakot, at magmahal. Gaya ng mga paborito **** santan, sampaguita't gumamela, pamilyar na siya sa iyong mga damdamin. Sa madaling salita, mahilig ka sa mga bulaklak. Pero hindi yaong mga gáling sa akin.
0
Jun 2, 2021
Jun 2, 2021 at 11:21 PM UTC
she loves me? she loves me not.

christienlorenz
Written by
Jun 2, 2021
Jun 2, 2021 at 11:21 PM UTC
Request permission to use this poem