Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Ang tunog ng katahimikan ay malalim Sabay ng kumpas ng malamig na hangin Kasama ka, tayo'y nakahiga sa buhangin At nakatitig lamang sa mga tala sa dilim Di ko napansin, ang aking damdamin Parang tala na nahulog mula sa langit Ako'y nalunod, sa agos ng iyong tingin Sa lalim ng iyong kalikasang marikit Nilamon ako ng mga bituin at langit Katulad ng pagkalunod ko sa iyo Di makahinga, pilit kumakapit Ang nahihirapan kong puso Sa mapait na katotohanang Hindi ka magiging akin Dahil ikaw ay isang bituin At ako ay hamak na tao lamang Isang tao na hanggang tingin lang
0
Jan 26, 2017
Jan 26, 2017 at 4:36 AM UTC
Tala

underground-mamihan
Written by
Jan 26, 2017
Jan 26, 2017 at 4:36 AM UTC
Request permission to use this poem