Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Kung titingnan tayo sa malayo ay tila dalawang estranghero. Magkalapit na nakatayo, ngunit kalooban ay magkalayo. Sa bawat buntong hiningang pinapakawalan, ay ang patagong pagpahid ng luhang pinipilit wag masdan. Sa bawat patak ng ulan sa iyong mykha, ay ilang beses kong pagpigil ng sariling luha. Gustohin ko mang ikaw ay pigilan, wala akong magagawa kundi ikaw ay pakawalan. Kung kagustohan ko lang din naman ang masusunod, Maari ba? Maari  bang sabihin, mga salitang pilit pinipigil bigkasin? Maari bang kahit ngayon lang, ay mawala saglit ang pagkailang? Maari ba? Kahit ngayon lang? Kahit saglit lang? Maari bang ikaw?
0
Jul 1, 2020
Jul 1, 2020 at 9:12 PM UTC
"Estranghero"

kcons
Written by
23/F/Philippines
Jul 1, 2020
Jul 1, 2020 at 9:12 PM UTC
Request permission to use this poem