Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Tulad ng kinimuyos na papel Sinta, kaya kitang isantabi sa mga botelya ng alaala ng hikbi Isasalampak sa isang sulok Pabubulukin sa tagal ng panahon Tulad ng maruming basahan Puso, kaya kitang itapon Sa'king labahan ng paglimot Doon kita'y ikukula sa mga buntong hininga Patutuyuin hanggang muling mapakinabangan Marahil ito na nga ay pagtanggap Na tulad ng maraming bagay na napaglumaan Kaya kitang limutin at talikuran Sa lupa, doon ang pinaglibingan Ng ikaw at ako na walang patutunguan.
0
May 29, 2015
May 29, 2015 at 9:23 AM UTC
sa paglimot

Written by
May 29, 2015
May 29, 2015 at 9:23 AM UTC
Request permission to use this poem