Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
katrina-paula
Ikinulong mo na sa'yong sarili Ang patinig sa'yong pangalan Kung paanong itinatago ng 'yong mata Ang katotohanan sa mga katanungan Napangunahan ba kita ng sigaw sa'king puso, Kaya nasambit **** di lahat ay totoo? Nasukol ka ba ng 'king binubuntunghininga Kaya tila naumid sa tugon yaring dila? Giliw, di yata nalimot **** ang salita'y di pulos patinig lamang Kaya binabalewala mo ang tunog sa mga pahiwatig Giliw iyong alalahanin na ang lahat ng bagay may sariling tinig Sa musika ng 'ting buhay, lahat nauunawaan sa kahit iilang pantig
0
Jul 14, 2015
Jul 14, 2015 at 9:03 AM UTC
ang babaeng kinain ang patinig sa kanyang pangalan
May panapos din ang mga salita o parirala o pangungusap na di-buo ang diwa Maaari ring hintuan ng mga patlang ang saglit na katahimikan Tunay na isang pang-uyam ang linggwistika ng pag-ibig Para sa isang taong tulad kong napagod na hanapin Ang katapusan ng mga pangungusap na di mahintuhan
0
Jul 14, 2015
Jul 14, 2015 at 8:54 AM UTC
panapos (ngunit kapos)
Dalawang Haiku ng Pagkahulog Halimuyak mo Sumasabog sa puso Hinto ang mundo **** Kalat sa daan Gaya ng 'king pag-ibig Tuyo at pisak
0
May 31, 2015
May 31, 2015 at 6:27 AM UTC
dalawang haiku ng pagkahulog
Tinatahi ko ang tubig sa'king kamay Pinapanuot ang gayelong lamig. Sa paghampas ng alon; Habang binabagtas ang di malirip na kalawakan, Sinisikap kong ilarawan ka. At sinusubukan kong hanapan ng letra Ang tubig-alat na nagpapalunod sa'king puso Napagtanto kong sa pagpalaot Sa gitna ng kalawakan at kalaliman Habang ako'y iginigiya ng mga alon Hahayaan kong dalhin ng hangin ang 'king layag, Magtitiwala sa tibay ng katig Mamamangka sa gitna ng kainitan ng araw Hahalik sa'yong daluyong ng kalayaan
0
May 31, 2015
May 31, 2015 at 6:15 AM UTC
sa pagpalaot
Marahil ito'y isang pagkamangha Dahil nag-iiwan ka ng kuryosidad Sa aking pag-iisip (Di ko mailarawan,may pinupukaw ka sa'kin) Subalit hindi...hindi ko kayang tanggapin Na ito na nga'y pag-ibig, ni paghanga (Pagka't panghahawakan ko ang tama) Dahil tumitibok pa rin ang puso ko kahit wala ka At patuloy pa rin akong nananaginip sa kalungkutan...
0
May 31, 2015
May 31, 2015 at 3:03 AM UTC
iba pang tula para sa'yo
Hiniling ko sayo'y maging isang mabuting kaibigan Kahit na sa aking puso'y higit dun ang asam
0
May 31, 2015
May 31, 2015 at 3:01 AM UTC
hiling
Heto ulit ako May pilat ang puso
0
May 31, 2015
May 31, 2015 at 2:56 AM UTC
napagtanto ngayon
Sabi ko nga ba isa kang trahedya dinadala mo ako sa masayang papalungkot na alaala Na unti-unting pumapatay saking pagkatao
0
May 31, 2015
May 31, 2015 at 2:54 AM UTC
papalungkot
habang naririto ako nakatingin sa karagatan nakasalampak sa buhanginan alaala mo ang tinatanaw nadadarang ako di sa init ng tirik na araw kundi sa simoy na ibinubulong ng 'king pusong nangungulila sayo
0
May 31, 2015
May 31, 2015 at 2:51 AM UTC
sa buhanginan
Naaalala kita ngayon At nais sana kitang makausap Sa text o kaya naman ay magpapansin Sapagkat ngayo'y ako'y nakikinig ng kundiman Habang pinagmamasdan ang nalalaglag na kalachuchi Dito kung saan nakahimlay ang mga bayani At ang damuha'y lango sa alak..
0
May 31, 2015
May 31, 2015 at 2:49 AM UTC
sa fort santiago