Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
032417 Pinagmasdan ko ang paglipad mo Napakaganda mo Hanggang ang langit Ay naging "sa piling ko." Sa pagpupumilit **** lumipad, Doon ka nahagip ng nagsisigawang mga hangin, Doon ka naputulan ng isang pakpak, At doon, sa wakas: Nagpasalo at nagpakanlong ka sa'king pag-ibig. Wala kang kamalay-malay Na ako ang siyang umakay sayo. Sa una pa lang, alam ko namang Pag nahilom ka na'y Kusa ka na ring aalis. Alam ko namang ang bisig ko'y Siyang tambayan lang ng pag-ibig. Minsan, pinangarap ko ring makalipad Gaya mo, baka sakaling magtagpo tayo sa ere Baka sakaling masabayan kita Sa mga gusto mo pang liparin. Pero magkaiba kasi tayo Wala akong sinasabing hindi patas ang tadhana Pero tama nga si Bathala, Wala naman tayong magagawa Kaya mabuting ngayon pa lang, Pakawalan na kita. Mahal, lipad na Kaya ko nang mag-isa. Mahal, paalam na Kahit ang totoo'y: Di ko pa kaya ang wala ka.
0
Mar 24, 2017
Mar 24, 2017 at 9:48 AM UTC
Lipad

psalmiseta
Written by
33/F/Dubai
Mar 24, 2017
Mar 24, 2017 at 9:48 AM UTC
Request permission to use this poem