Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Nahihirapan na ako makisalamuha sa ibang tao Kinakain na ng Duda ang sensitibong utak ko Bawat kilos, iniingatan ko ! Malaya ako ! (pero nakakulong naman ang tunay na mga paa ko sa loob ng kaluluwa ko!) Nais kong takasan ang mundong ito! May tahanan naman ako , bakit ako lilisan dito sa mundo? Duwag na ba ako? dahil di ko malutas ang problema Mahina na ba ako? dahil di ko na kayang lumaban sa gera Lumalala , lumuluha , kala ko tapos na Pansamantala lang pala ang sigla Mapang-akit ang kalungkutan "Pinagmukha ka lang malaya , maluwag ang selda" Mas nakakaawa pa nga ako , nasilayan ko ang awa sa mukha ninyo Sa sobrang maawain ko , kinunsumo ko lahat ng lungkot para mawala ang awa sa mukha nyo. Naglalaban na ang dalawang grupo sa utak ko , hilahan ng lubid , palarong lahi ang tema Palakasan nalang ng pwersa kung mapipigtal , aba mukhang balanse pa
0
Apr 21, 2020
Apr 21, 2020 at 10:53 AM UTC
Maduming Isip

Johnad
Written by
Apr 21, 2020
Apr 21, 2020 at 10:53 AM UTC
Request permission to use this poem