Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Kumusta mga hari sa lupa Yaong mga anino'y hindi nakikita Mga haring sila ang nagtatakda Ng mga bagay dito sa lupa Kumusta mga hari sa lupa Yaong papel na may mukha Mga haring dinadakila Ng mga uhaw na dukha Kumusta mga hari sa lupa Na kaharian ay ang yaman sa lupa Handang pumatay ng alila Upang pigilin ang daigdig sa pagluha Kumusta mga hari sa lupa Na di kailanman kumalam ang sikmura Na kailanma'y hindi lumuha O nagbuhat ng kutsara Kumusta mga hari sa lupa Bundok ng bungo'y sumusumpa Sumisigaw sa hinagpis na mga alila Sa kamay ninyo mga hari sa lupa Kumusta mga hari sa lupa Pagbati ko sana'y makita Nawa'y maunawaan ang Salita Sapagkat dito tayo lahat nagmula -JGA
0
Mar 26, 2020
Mar 26, 2020 at 12:19 PM UTC
Mga Hari sa Lupa

Mensahe para sa mga hari sa lupa
pusang-tahimik
Written by
31/M/Quezon City, Philippines
Mar 26, 2020
Mar 26, 2020 at 12:19 PM UTC
Request permission to use this poem