Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
070623 Tumatagos ang mga salitang Bala ang panimula Balang araw ay yuyukod sa katapusan Katapusang hindi tuldok ang pagsasalaysay… Pipiglasin ang mga kandadong walang susi, Kandong ang kahapong nilimot at nilumot… Babangon matapos ang paghikbi Hikbing bangungot sa pagpatay-sindi… Ikaw ang mananatiling saksi sa aking paglisan.. Walang paalam maging sa gunita ng bukas at kahapon. Walang kulay na babahagian Ng liwanag na taglay ko’t iniirog. Ang iyong akap ang aking baluti Habang ang sandata ko’y Bumabara pa sa aking lalamunan. Ngunit sa pagsiping ng mga tala Sa kalangitang panatag ang panayam Ay Walang kukurap maging sa isang idlap lamang. Ang sigaw na sumisingaw hanggang sa kalawakan Ay tila pa ilang dipa na lamang Sa pagitan ng mga segundong Nagkakandarapang magsipagtagisan… At ang silakbo ng damdaming moog sa kaloob-looba’y Bukas ay wala ring katapusan at panimula.
0
Jul 5, 2023
Jul 5, 2023 at 3:03 PM UTC
Tilador

psalmiseta
Written by
33/F/Dubai
Jul 5, 2023
Jul 5, 2023 at 3:03 PM UTC
Request permission to use this poem