Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Gising, Pilipinas. Hindi ka noon nanaig sa mga dayuhan para lamang ngayon ay magpa-alipusta sa bulok na sistema, sakim na pamahalaan, at berdugong mga grupo. Bangon, Pilipinas. Hindi ka noon nalugmok sa dugo at putik para lamang ngayon ay bumalik sa lusak ng karahasan at mas malawak pang katiwalian. Laban, Pilipinas. Hindi ka noon ginapos at binusalan ang bibig para lamang ngayon ay muling kunin at isuot ang mga tanikala at takpan ang iyong mga mata. Tumindig at manindigan ka, Pilipino. Atin ang Pilipinas, hindi sa kanilang mga ganid at may bahid ng dugo ang mga kamay.
0
May 14
May 14, 2026 at 10:55 PM UTC
padayon

alittlebitofeverything
Written by
May 14
May 14, 2026 at 10:55 PM UTC
Request permission to use this poem