Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
I. Minsan lang ako lumabas ng bahay Minsan lang ako umupo sa damuhan at tumambay. At napili ko ang gabi para ako'y damayan Sa aking nalulumbay na katauhan. II. Marami akong naiisip–mga kung ano-anong bagay. Marami akong gustong sabihin sa mundo, Ngunit mas pinili ko nalang na itikom ang bibig ko. Sapagkat alam kong wala namang makikinig sa mga pasaring ko. III. Napahiga nalang ako at ang mga bituin binilang ko, At napagod ako kakabilang sapagkat alam kong imposible ito. At bigla kang dumapo sa isip ko. At napasabing: “Isa ako d'yan sa mga bituin, ako ‘yung maliit at 'di mo napapansin.” IV. Napabuntong hininga ako, At kasabay nun ay biglang may isang bituing biglang nagningning. Naalala kita, naalala ko yung ngiti mo noong una tayong nagkita. Isa ka rin nga palang bituin, ngunit 'di gaya ko, pagkat ika'y maningning. V. Ang sarap sana ng buhay ko kung laging ganito, Masarap ang hangin at tahimik ang aking mundo. Ngunit alam kong imposible ang hinihiling ko, Pagkat mas masarap ang buhay 'pag ikaw ang kapiling ko.
0
Jul 30, 2015
Jul 30, 2015 at 1:34 PM UTC
Muni-muni sa Ilalim ng Gabi

thealltimejor
Written by
Jul 30, 2015
Jul 30, 2015 at 1:34 PM UTC
Request permission to use this poem