Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Matalino naman ako, alam rin iyan ng mga tao sa paligid ko. Maingat naman ako, kung hindi ay hindi ako tatagal sa mundo. Ngunit bakit sa sarili ko'y ginagawa ito? Bakit ako naglalakad patungo sa'yo? Alam kong masasaktan muli ako, baka nga ito pa ang maging kamatayan ko. Ngunit bakit patuloy pa ring lumalapit sa'yo? Naglalakad ng masaya at magiliw patungo sa aking kalbaryo, para lang maipalasap sa'yo ang paraiso. Habang pasan ang krus na tonelada ang kilo, para lang madala ang walang hanggang kaligtasan sa'yo.
0
Mar 25, 2024
Mar 25, 2024 at 11:46 PM UTC
Lunes y Martes Santo

Este corazón pesado es la cruz que llevo. "Semana Santa Sadgirl Series": no. 3
ang_lakambini
Written by
Mar 25, 2024
Mar 25, 2024 at 11:46 PM UTC
Request permission to use this poem