Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Leron, leron sinta Kay tagal kong hinanap Sa lahat ng sulok, sa lahat ng kanto. Bawat bulong, bawat banggit Baka sakaling maituro sa akin Ang pangalan mo. Buko ng papaya Natatangi sa 'king paningin Ikaw ang dahilan Kung bakit may kaba sa dibdib May tamis ang ngiti May kislap ang mga mata. Dala-dala'y buslo Nilalaman nito'y puso Pusong minsan nang nabigo Ngunit pinatibok **** muli Tangan ng aking mga kamay Nanganganib na ibigay Sa 'yo. Sisidlan ng bunga Duyan ng mga pangarap Mga alaalang ipipinta pa lamang Sa hinaharap na sana'y Sasalubungin ko Na kasama ka. Pagdating sa dulo Matapos ang lahat ng dasal Pananalangin sa Maykapal Nakabitin sa gilid ng bangin Handa nang mahulog O matagal nang nahulog? Nabali ang sanga Pumutok ang bula Natunaw ang tuwa Nabasag ang pag-asang Pinanghawakan At iningat-ingatan. Kapos kapalaran Minalas lang ba O sadyang malas na talaga? Malupit ang tadhana. Sa gulong ng palad Parang laging nasa ibaba. Humanap ng iba Hindi ngayon, hindi bukas O kahit sa susunod na linggo Pero balang araw Magtatapos din Sa masayang wakas.
0
May 8, 2015
May 8, 2015 at 1:20 PM UTC
In Other Words: Leron, leron sinta

elle-esso
Written by
May 8, 2015
May 8, 2015 at 1:20 PM UTC
Request permission to use this poem