Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
hindi na kita ipaglalaban, sawang-sawa na ako mula nang 'yong iwanan na ang puso'y nagdurugo hindi na kita ipaglalaban, hindi na tulad ng dati na pipiliting ibuklat ang mga mata para lang makausap ka pa hindi na kita gagambalain sa pagtatanong sa'yo ng anong maaari kong gawin upang mapangiti ka at makita ang nakasisilaw **** ngipin, ang 'yong ngiting nakapanlalambot, ang 'yong mga matang natutuhan nang ako'y malimot hindi na kita guguluhin sa pagpilit kong kumain ka na, matulog nang maaga, para ika'y titigan ko habang ika'y nahihimbing sa aking piling hindi na kita ipaglalaban, dahil kahit kailan ay hindi mo man lang ako sinubukang mahalin kahit na ako'y naghihirap man din, hindi mo pinansin ang pagpupuyat ko gabi-gabi sa aking tahanan, ang pagpilit kong payagan tayo ng tadhana na magmahalan, at pagmamahal ko sa'yo sa lahat ng posibleng paraan at ngayo'y bahagi ka na lamang ng aking nakaraan
0
Jul 12, 2016
Jul 12, 2016 at 8:52 AM UTC
Hindi na kita ipaglalaban

Written by
Jul 12, 2016
Jul 12, 2016 at 8:52 AM UTC
Request permission to use this poem