Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Sa kubo na giba-giba ay nagbuntong-hininga Nakatigil ang tanaw sa museo ng damdamin Sinasaliwan ang kaganapan Umuugnay ang mga pangyayari Mabini dumaan sa bangkete Dali-dali na binigyan ng upuan Lahing kayumanggi ay di-palatandaan Tanyag sa bansag na "Pamilya ng Perlas ng Silangan" Isalin ang buhay sa ibang anyo ngunit di ang nararamdaman Diyosa ng kagandahan ang kahawig ng minamahal Maigsi ang oras ng pag-ibig Natutuliro nang walang hanggan Nang una malapitan, pisngi ay naging krimson Naasiwa tumingin sa mga mata Kailan nagsimula ang pag-ibig? Nais sana ito'y sambitlain Gaya ng mayuming baro't saya, Ang alindog ay mahirap iwasan Hinibo ang isip pati kaluluwa Nang wala na sasagip sa pagkaalipin ng kanyang kamunduhan
0
Dec 28, 2018
Dec 28, 2018 at 3:41 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #34

Written by
23/M/Antique
Dec 28, 2018
Dec 28, 2018 at 3:41 AM UTC
Request permission to use this poem