Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Minsan ay kaalitan ang kanyang magulang Sa sigalot ay nanggilalas Nang tumila ay nanaig ang kapighatian sa kanyang paligid Di hamak na bituin na nalumpasay sa langit Naka-baklaw ang mga paa Ang inalagaang rosas sa paso ay pawang tintang dugo kung saan natigmak itong puso Pag yumabong ay nahihirapan ang mga ugat sa karampot na buhangin Ang maliit na sisidlan ay sumawata sa pagtubo Ilang buwan din nagtiis abot ng tanaw ngunit sa palagay ay lalong lumalayo ang sinta Nang isang umaga'y may kumatok sa pintuan Babaeng nakabelo ay biglang yumapos Bumalisbis sa pisngi niya ang luha - nagbigay ng imbitasyon Sa pagka-akala niya'y mahal din Humingi ng katiyakan ang kanyang paniniwala Sapagkat naghintay sa kanya Nagtanong nang diretsahan, Kung sino ang babaeng napupusuan Sa kanya ay umiibig ba Di naibulgar ang pagsinta Naibalik ang tanong sa kanya Sino ang lalaking minahal bago maghiwalay ang mga landas at magpunta sa siyudad
0
Jan 11, 2019
Jan 11, 2019 at 7:54 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #53

Written by
23/M/Antique
Jan 11, 2019
Jan 11, 2019 at 7:54 PM UTC
Request permission to use this poem