Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
kasalanan ang wakasan ang sariling buhay, ngunit kasalanan din ang magsinungaling: ang magpatuloy sa mga oras na napupuno ng alikabok ang kwarto; sa bawat tanong kung bakit ka wala; sa mga hakbang na nagsilbing pagpuslit; sa mga oras na armas ang lahat ng nakatutok sa akin, naghihintay sa aking pagpitik; at sa oras na mabigat na ang dibdib, kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso, pagdilim ng paligid, at paglalim ng pagnanasang mapuno ang pahinang ito ng mga salitang magsisilbing diksyunaryo sa aking pagkakamali.
0
Nov 13, 2025
Nov 13, 2025 at 1:09 PM UTC
ang pag-amin ng makasalanan

Written by
Nov 13, 2025
Nov 13, 2025 at 1:09 PM UTC
Request permission to use this poem