Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Paano ko ba sisimulan ang sulat na ito na iginagawa ko na naman para sa’yo? Marami na akong naipon na mga sulat, sulat na punong-puno ng mga walang kwentang kasaysayan at letra na hindi ‘ko maigunita sa iyo Bakit? Ewan ko, hindi ko alam, putangina may pakialam ka ba? Hindi ko alam kung ibibigay ko sa’yo ang mga sulat na hindi ko natuluyang ibigay sa’yo dahil Una, hindi ko alam kung may pakialam ka pa sa mga salita ko Ang aking mga salita na punong-puno ng galit, ng damdamin at pagmamahal Kasi Pangalawa, noon, kahit walang kwenta ang aking mga sinasabi, ito’y tuluyan **** binibigyan ng halaga Noon, kahit ako’y galit sa iyo at ika’y galit sa akin, nauubos ang iyong salita at hininga sa mga bagay na gusto kong marinig para lang tayo’y magkaayos Noon, nakuntento tayo sa isa’t-isa kahit tayo’y naliligaw at nabubulag pa sa mundong ito na punong-puno ng kasinungalingan Noon, ginagawa mo ang lahat para lang tayo ay magkita Noon, pinupuno ko ang iyong mga araw nang ligaya at mga ngiting hanggang tenga Noon, hinahayaan mo lang tayo’y maging masaya Noon, ako’y sa iyo at ika’y akin Noon, ika’y andito at wala doon Noon, ako’y mahal mo at ika’y mahal ko Naghahanap ng mga dahilan kung saan ako nagkulang, o kung saan ako nagkamali Kung ito ba’y dahil sa aking pananamit o sa aking pananalita Kung ito ba’y dahil hindi ako kagaya niya o sadyang nawala na lang talaga ang iyong mga nararamdaman bigla Kaya inuulit ko, saan ako nagkulang? Saan ako nagkamali? Nagkulang ba ako sa higpit nang yakap at haplos? Nagkulang ba ang aking mga boses sa pagsigaw sa mundo na mahal kita? Nagkulang ba ako sa pagsuyo at sa aking pagamin ng mga kasalanan? Nagkulang ba ako sa pagbuhos ng aking mga damdamin? Nagkulang ba ako sa paglaban? Nagkulang ba ako sa bilang ng araw na mawawala ka na? Nagkulang ba ako sa halik? Dahil sinta, kung alam ko lang ng mas maaga pa na ika’y hindi magtatagal, sana’y tinagalan ko ang aking mga halik at inagahan ang aking pagbitaw Pero hindi, Kaya ang nagbunga ngayo’y isang babae na katulad ko na Ngayo’y nasasaktan at nalulunod sa sariling mga luha Natatapilok sa sariling mga paa, dahil sa sariling katangahan Ngayon, isang tanga na natalo at nakanganga Ngayon, umaasa na lang ako sa isang idlap ng iyong mga mata Ngayon, naghihintay na lang ako sa iyong pagpansin o pagtawag sa aking pangalan Ngayon, nagbabakasakaling may halaga pa rin ako sa’yo Ngayon, umaasang iniisip mo pa rin ako Ngayon, nagbabakasakali na masaya ka na. Masaya ka na sa kanya. Masaya ka na sa piling ng iba. Mas masaya ka na kesa aking nagawa. Ngayon, nangangarap na lang na maging masaya Ngayon, sinusubukang kalimutan ka Pangatlo, dahil ngayon, Mahal pa rin kita, at wala ka na.
0
Aug 1, 2016
Aug 1, 2016 at 1:03 PM UTC
Noon at Ngayon

#tagalog #past #noon #ngayon #pagmamahal #love #filipinopoem
love-for-leisure
Written by
Aug 1, 2016
Aug 1, 2016 at 1:03 PM UTC
Request permission to use this poem